Calendar
Rep. Nanay Bing abala sa pagtulong sa kaniyang mga kababayan
WALANG sinasayang na sandali si Zambales 2nd District Rep. Doris “Nanay Bing” Maniquiz sapagkat nakatutok at abalang-abala ang Lady solon sa pagbibigay serbisyo at pagtugon sa mga pangangailangan ng kaniyang mga kababayang Zambaleño.
Patuloy ang pagse-serbisyo ng tanggapan ni congresswoman Maniquiz para matugunan ang mga pangangailangan ng mga residente ng Distrito Dos kabilang na dito ang medical assistance, pagsusulong ng livelihood programs at iba pang kauri nito upang matulungan ang mga mamamayan ng Zambales.
Bukod dito, nagkakaloob din ng tulong si Maniquiz para naman sa mga kabataang estudyante tulad ng mga gadget at kagamitang teknolohikal na ginagamit ng mga estudyante sa kanilang pag-aaral.
Nagpapasalamat naman si Nanay Bing sa patuloy na pagtitiwala ng libo-libo niyang mga kababayan na nagbibigay sa kaniya ng lakas at inspirasyon para magpatuloy sa kaniyang taos pusong paglilingkod.
Sinabi ni Maniquiz na ang tiwala ng mga mamamayan at ang kanilang pasasalamat ang nagbibigay sa kanya ng lakas upang ipagpatuloy ang paglilingkod.
Binanggit din ni Maniquiz na nagpapatuloy siya sa serbisyo sa kabila ng mga batikos na ibinabato sa kanya at sa iba pang mga lider ng bansa.
Inihalintulad niya ang Ikalawang Distrito sa isang malaking tahanan na nais niyang mapagsilbihan hanggang sa pinakamalalayong lugar.
Nanindigan si Nanay Bing na ipagpapatuloy ang paghahatid ng serbisyo publiko sa kabila ng mga batikos kasabay ng pagtugon ng kanyang tanggapan sa mga kahilingan ng mga residente para sa tulong medikal at suporta sa pag-aaral.
To God be the Glory
