Calendar
PH, US pinalakas bilateral relation sa agrikultura

TINANGGAP ni Philippine Ambassador to Washington Manuel Jose Romualdez ang masiglang interes sa pagpapalakas ng bilateral na kooperasyon sa agrikultura sa pagbisita ni Nebraska Gov. Jim Pillen.
Ang pagbisita ay paghahanda sa pagtungo ng trade delegation sa Pilipinas sa Hulyo 25-30.
Binigyang-diin ni Pillen ang alyansa ng Amerika at Pilipinas sa pakikipagnegosyo sa mga kaalyado nito.
Tinukoy niya ang mga posibleng kooperasyon sa poultry, produksyon ng ethanol, feedlot production, biofuels at negosyo sa animal genetics.
Naniniwala siya na ang Nebraska ay makatutulong sa pagbangon ng Pilipinas mula sa paglaganap ng African swine flu.
Ang matatag na sektor ng agrikultura, kaakibat ng matatag na programa sa turismo at pakikipagtulungan, ay may malaking potensyal na mapabuti ang mga sektor ng ekonomiya ng Pilipinas, ayon ksy Romualdez.
Naniniwala rin siya na dapat ipagpatuloy ng Nebraska ang pagpapalalim ng kooperasyon sa Pilipinas.
