MWP

May 5 kaso ng kalaswaan swak sa kulungan

35 Views

SWAK sa kulungan noong Sabado ang itinuturing na number 4 Most Wanted Person sa Rizal matapos madakip dahil sa patung-patong na kaso kabilang ang 5 bilang ng acts of lasciviousness sa Brgy. 178, Caloocan City.

Kinilala ang akusadong si alyas Elijah na naaresto bandang alas-9:10 ng gabi sa Villa CCO Camarin.

Ang pagdakip ay isinagawa sa pinagsanib na pwersa ng Criminal Investigation and Detection Group Rizal Provincial Field Unit katuwang ang San Mateo police.

Inaresto si alyas Elijah sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Judge Josephine Fernandez ng Regional Trial Court Branch 76 ng San Mateo, Rizal.

Nahaharap ang suspek sa limang bilang ng acts of lasciviousness at paglabag sa RA 7610 (Anti-Child Abuse Law).

Kasalukuyan nang nasa kustodiya ng pulisya ang suspek.