Driver

Triker sa Lipa derecho selda dahil sa iligal na boga

46 Views

Driver1

CAMP MALVAR, Batangas — Rehas na bakal ang binagsakan ng 43-anyos na tricycle driver matapos arestuhin ng mga awtoridad at nakumpiskahan ng baril na hindi lisensyado sa Brgy. Lumbang, Lipa City noong Hulyo 13.

Kinilala ni Batangas police director P/Col. Oliver Ebora ang suspek sa alyas Torque na nahuli ng mga elemento ng Lipa City police bandang alas-2:52 ng hapon sa bisa ng search warrant na inisyu ng Regional Trial Court Branch 13 ng Lipa City dahil sa paglabag sa Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act (RA 10591).

Nakuha mula sa suspek ang isang cal .38 revolver, pitong bala, isang holster at isang itim na body bag.

Naging maayos ang paghahain ng warrant na nasaksihan mismo ng suspek at ng mga opisyal ng barangay gamit ang mga body-worn camera.

Kasalukuyang nakapiit sa Lipa police jail ang suspek.