Abalos

DILG rerepasuhin Local Government Code

149 Views

REREPASUHIN ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang Local Government Code upang matugunan umano ang mga isyu kaugnay ng kapangyarihan ng mga lokal na pamahalnaa.

Ayon kay DILG Secretary Benhur Abalos kabilang sa dapat na pag-aralan ay ang mandato ng lokal na pamahalaan na pondohan ang pagpapatayo ng mga paaralan, ospital at maging ang regulasyon kaugnay ng mga electric tricycle o e-trike.

Sinabi ni Abalos na hindi lahat ng lokal na pamahalaan ay kayang gastusan ang pagpapatayo ng mga paaralan at ospital kaya dapat tignan kung dapat na ang national government ang humawak nito.

Ayon kay Abalos kung ang mga pampasaherong jeepney ay nasa ilalim ng Land Transportation Office at ang mga tricycle ay nasa ilalim ng mga lokal na pamahalaan, dapat ang e-trike ay isailalim na rin sa mga LGU.