Calendar
Mag-jowa nag-away, parehong pumanaw
NAWALA ang buhay ang sundalo na binaril ng kanyang napatay na misis dahil sa matinding away sa Bacolod City.
Nasawi rin ang ginang nang saksakin ng kanyang biyenan na nakasaksi kung paano binaril ng ginang ang kanyang anak.
Batay sa ulat ng PNP, naganap ang insidente sa loob ng bahay ng mag-asawa matapos ang pagtatalo ng umuwi mula sa outing.
Ayon sa mga kapitbahay ng mag-asawa, narinig nila ang putok ng baril mula sa service firearm ng sundalo.
Ilang sandali pa ay nakitang nakahandusay ang sundalo at wala nang buhay.
Nang makita ng ama ang sinapit ng anak ay agad naman itong kumuha ng patalim at pinagsasaksak ang ginang na naging sanhi rin ng kamatayan ng huli.
Sumuko ang biyenan sa pulisya at nakakulong na pero hindi siya nagpaunlak ng panayam.
Naulila ng mag-asawa ang anak nilang 11-taong-gulang.

