Joet Garcia

Bataan gob kumilos vs road incidents, health issues

Christian Supnad Jul 14, 2026
47 Views

ABUCAY, Bataan–Tinalakay noong Lunes nina Gov. Joet Garcia ang mga road incidents at iba pang health-related concerns upang higit pang mapalakas ang mga hakbang ng lokal na pamahalaan ng Bataan.

Sa Bisita Bayan Program ng gobernador, nakibahagi siya sa seremonya sa pagtataas ng bandila sa Abucay People’s Center kasama si Mayor Erik Martel.

“Sa atin pong mensahe, ibinahagi po natin ang mahahalagang datos at ulat tungkol sa mga programang nararapat pang pagtuunan ng pansin, kabilang ang mga road incidents at iba pang health-related concerns, upang higit pang mapalakas ang mga hakbang ng lokal na pamahalaan,” anang gobernador.

Nagsagawa rin sila ng Executive Alignment Meeting kasama ang mga kinatawan ng pamahalaang panlalawigan ng Bataan at pamahalaang bayan ng Abucay upang higit na mapagtibay ang koordinasyon at pagkakahanay ng mga programa, proyekto at mga insentibo.

Nakasama sa meeting sina Mayor Martel, Vice Mayor Wangbu Pabustan, mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan at Sangguniang Bayan at mga punong barangay.