Calendar
Provincial
San Pablo VM acting mayor; 6 buwang suspensyon ng mayor simula na
Gil Aman
Jul 14, 2026
284
Views
UMUPO na si Vice Mayor Justin Colago bilang acting mayor ng San Pablo City habang in effect ang anim na buwang suspensyon na ipinataw kay Mayor Arcadio “Najie” Gapangada Jr.
Ang suspension order ay ipinatupad kasunod ng direktiba ng Office of the Ombudsman habang kinumpirma rin ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang pagsisilbi ng naturang kautusan dahil sa mga kaso isinampa sa alkalde.
Inaasahang ipagpapatuloy ni Colago ang operasyon at paghahatid ng mga pangunahing serbisyo ng pamahalaang panlungsod sa mga mamamayan ng San Pablo City.
Iginiit ni Mayor Gapangada na kuwestiyonable ang naging proseso ng pagpapataw ng anim na buwang suspensyon at inaasahan niyang maipapaliwanag ang kanyang panig sa tamang legal na proseso.
P341K na shabu nasamsam sa San Jose del Monte
Nov 3, 2026
6,000 kriminal lagas sa CALABARZON
Nov 3, 2026
Magsasakang wanted sa droga swak sa kulungan
Nov 2, 2026
Dating Abucay mayor pumanaw noong Undas
Nov 2, 2026

