Calendar
Murang bigas ipinamahagi sa Zambales
NAMAHAGI ng murang bigas sa Brgy. Libertad si Zambales Rep. Doris “Nanay Bing” Maniquiz bilang bahagi ng “Rice Subsidy Program.”
Bukod sa pamamahagi ng murang bigas, nakinig din si Nanay Bing sa mga hinaing at kahilingan ng ilang residente na lumapit sa kanya.
Ayon Maniquiz, agad nilang tinugunan ang mga problemang idinulog ng mga ito bilang bahagi ng kanilang serbisyo publiko.
Hindi madali ang araw-araw na tungkulin bilang kinatawan ng Zambales ngunit nagsisilbing inspirasyon ang malasakit at pagmamahal sa kapwa upang maipagpatuloy ang paglilingkod sa kabila ng mga hamon, sabi n kongresista.
Muli niyang ipinaalala sa publiko ang kanyang “4Ms” na nagsisilbing gabay sa kanyang adbokasiya: “Mangarap, Magsikap, Magdasal at Magtagumpay”.
Sa kabuuan, tampok sa aktibidad ang pamamahagi ng murang bigas, pakikinig sa mga hinaing ng mga residente, at pagbibigay diin sa patuloy na serbisyo publiko para sa mga mamamayan ng Zambales.

