Calendar
Batangas police naglunsad ng IOBC

KAMPO VICENTE LIM, Calamba City, Laguna–Binuksan noong Huwebes ang 45-day Investigation Officers Basic Course sa Police Regional Office (PRO) 4A na dinaluhan ni Police Brigadier General Glenn Lonogan sa multipurpose center hall sa kampong ito.
Layunin ng programa na lalahukan ng 41 na pulis na mas mapahusay at mapatalas ang kaalaman, kasanayan, at kakayahan ng mga kalahok sa modernong imbestigasyong pulisya alinsunod sa Focused Agenda ng Chief, PNP at sa ilalim ng pamumuno ni PBGen Dominic L. Baccay.
Ang PRO 4A ay may prinsipyong BEST (Be Visible, Engage Immediately, Serve Together, and Transform Trust).
Sa pamamagitan ng inisyatibong ito, inaasahang mas mapalalakas ng PRO 4A ang hanay ng mga imbestigador nito upang maghatid ng mabilis, epektibo at mapagkakatiwalaang serbisyo.

