Calendar
Provincial
Tulong sa 250 mag-aaral sa Oriental Mindoro ibinigay
Helen D. Prado
Jul 17, 2026
247
Views
ORIENTAL Mindoro–Nakatanggap ng tig-P20,000 na tulong-pampaaralan ang 250 mag-aaral sa Oriental Mindoro sa ilalim ng “Bawat Bayan Makikinabang” Presidential Scholarship Program noong nakaraang Miyerkules.
Pinangunahan ni Executive Secretary Ralph Recto ang paglunsad nito bilang bahagi ng Local Government Support Fund (LGSF).
Layunin nitong palawakin ang akses sa edukasyon at mabawasan ang gastusin ng mga pamilya.
Ayon kay Recto, alinsunod ito sa utos ni Pangulong Marcos na bigyan ng pagkakataon ang kabataang maabot ang kanilang mga pangarap.
Tiniyak naman ni Gov. Humerlito “Bonz” Dolor na patuloy ang pagtutulungan ng lokal na pamahalaan upang makapaghatid ng serbisyo sa mga mamamayan ng lalawigan.
P341K na shabu nasamsam sa San Jose del Monte
Nov 3, 2026
6,000 kriminal lagas sa CALABARZON
Nov 3, 2026
Magsasakang wanted sa droga swak sa kulungan
Nov 2, 2026
Dating Abucay mayor pumanaw noong Undas
Nov 2, 2026

