Gatchalian

Senado prayoridad socmed ban sa mga menor de edad

33 Views

SINABI ni Senate President Sherwin Gatchalian na bibigyang-prayoridad ng Senado ang panukalang ipagbawal sa mga menor de edad ang paggamit ng social media sa pagbabalik ng sesyon ng Kongreso.

Nanawagan si Gatchalian ng pagkilos habang dumarami ang mga bansang naghihigpit sa paggamit ng social media ng mga bata dahil sa mga panganib sa mental health, kaligtasan at kapakanan.

“With France joining the growing number of countries that have banned social media for minors, we can no longer afford to be left behind,” sinabi ni Gatchalian.

“A clear global consensus is emerging: social media use among our children endangers their mental health, safety, and overall well-being,” dagdag niya.

“Sa pagbabalik-sesyon ng Kongreso, bibigyang prayoridad ng Senado ang panukalang batas na ipagbawal ang paggamit ng social media sa mga menor de edad,” sinabi niya.

“Hindi na natin ito dapat ipagpaliban dahil ang kinabukasan ng ating kabataan ang nakataya dito,” dagdag ni Gatchalian.