Just In

Calendar

October 2024
M T W T F S S
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
28293031  
Comelec

Panunumpa ng 3 Comelec officials pinangasiwaan ni PBBM

188 Views

PINANGASIWAAN ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang panunumpa sa tungkulin nina Commission on Elections (Comelec) Chairman George Erwin M. Garcia at Comelec Commissioners Nelson J. Celis at Ernesto Ferdinand P. Maceda Jr.

Pinagtibay na ng Commission on Appointment ang appointment ni Garcia noong nakaraang buwan.

Si Celis ay isa namang engineer na mayroong kaalaman sa Information Technology na kailangan ng ahensya. Siya ay matagal ng advocate ng pagkakaroon ng malinis na halalan sa bansa at co-convener ng AES Watch, isang grupo na nagtataguyod ng malinis na eleksyon.

Si Maceda naman ay dating dean ng College of the Law ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila. Siya ay nagturo rin ng batas sa Arellano University at Ateneo De Manila University.

Dati rin itong pangulo ng Universidad de Manila, at pangulo at chairman ng Philippine Association of Law Schools.