Recto: Marcos’ SONA malaman

22 Views

TINAWAG ni Executive Secretary Ralph Recto na “malaman” ang ikalimang State of the Nation Address ni President Ferdinand Marcos Jr. at nanawagan siyang bawasan ang hidwaang pampulitika.

“Tamang timpla. Malaman at hindi bola-bola. Ganyan ang SONA. Nag-uulat. Nagmumulat. Nanggugulat din,” ani Recto.

Patas na inilatag sa talumpati ang mga nagawa ng administrasyon, bagaman hindi nito natalakay ang lahat dahil sa limitasyon sa oras, ayon sa exective secretary.

Malinaw ding inilatag at isa-isang tinukoy ni Marcos ang mga planong gawin ng administrasyon upang madaling masubaybayan ang pagpapatupad ng mga ito.

“As for the ‘what is to be done’ portion of the SONA, it is clear that he spelled this out, itemized, for easy monitoring come implementation time,” ani Recto.

Nanawagan si Marcos sa lahat na bawasan ang hidwaang pampulitika at pag-ibayuhin ang mga gawaing makabubuti sa bansa, sabi ni Recto.

“His call is for everyone to dial down divisive politicking and ramp up work that will bring peace and progress to the entire nation,” ayon sa dating senador.