Calendar
Marcos’ tax plan tanggap ni Pangilinan
TINANGGAP ni Sen. Francis “Kiko” Pangilinan ang mga panukalang tax reform ni President Ferdinand Marcos Jr.
Dapat makatulong ang panukalang Progress Bill sa mga manggagawa, magsasaka, mangingisda, micro-entrepreneurs at mga pamilyang mababa ang kita na nahihirapan sa patuloy na pagtaas ng halaga ng pamumuhay.
“We welcome the Progress Bill as a step toward a tax system that is fair, equitable, and more responsive to the realities faced by ordinary Filipinos,” ani Pangilinan.
Sa kanyang ikalimang State of the Nation Address, hiniling ni Marcos sa Kongreso na itaas sa P350,000 ang taunang income-tax exemption threshold at ibaba ang income tax ng iba pang wage earners.
Iminungkahi rin ng Pangulo na alisin ang minimum corporate income tax para sa maliliit na negosyo at magbigay ng amnestiya sa hindi nabayarang income, estate, donor’s at value-added taxes, kabilang ang kaugnay na mga penalty.
Dapat sukatin ang mga panukalang reporma batay sa epekto ng mga ito sa seguridad sa pagkain, edukasyon at mga pamilyang nasa laylayan, ayon kay Pangilinan.
Dapat gamitin sa mga programang direktang makatutulong sa publiko ang anumang karagdagang kitang malilikom sa pamamagitan ng mga reporma, partikular para sa sektor ng agrikultura at pangisdaan.
Handa rin si Pangilinan na makipagtulungan sa kanyang mga kasamahan sa Senado at sa administrasyon sa pagrepaso sa panukala.
“We welcome this initiative and look forward to carefully studying the measure in the Senate,” sabi ni Pangilinan.
