PAL

PAL ipinaalam plano sa PH community sa US via dialogue ss PCG-SF

89 Views

PAL1

ANG Philippine Airlines (PAL) ay nakipag-ugnayan sa komunidad ng mga Pilipino sa Estados Unidos matapos ibahagi ang mga planong pagpapalawak sa isang courtesy call sa Philippine Consulate General sa San Francisco (PCG-SF).

Tinanggap ni Deputy Consul General Maria Paz Cortes ang delegasyon ng PAL na pinamunuan nina Jose Maria Alvarado, Regional Head para sa North America, at Joseph Callao, Account Manager para sa International Sales sa San Francisco.

Ibinahagi ni Alvarado ang mga bagong hakbang sa restructuring ng commercial operations ng PAL sa North America, kabilang ang paglipat sa isang regional sales organization at ang pagtatatag ng centralized support system para sa kanilang mga partner na travel agency.

Binigyang-diin din ang modernisasyon ng fleet ng pambansang eroplano, partikular ang pagpapakilala ng mga bagong Airbus A350 na may upgraded na Business Class suites at pinalawak na Premium Economy cabins.

Tinalakay rin ang pagdiriwang ng kanilang ika-80 anibersaryo, ang PAL USA Cup golf fundraiser at ang pagbabalik ng VIP Tour program sa pakikipagtulungan sa mga Philippine Foreign Service Posts.

Saksi sa pulong sina Konsul Rowena Pangilinan-Daquipil, Philippine Department of Tourism (PDOT)-San Francisco Administrative Officer Stalingrad Samson, at Economic Assistant Danica Vismonte.