Suspek

2 kelot dinampot sa pagnenok ng takip ng fire hydrant

Jon-jon Reyes Jul 30, 2026
114 Views

ARESTADO ng mga operatiba ng MPD Barbosa PS 14 ang dalawang lalaki na naaktuhan umanong nagnanakaw ng takip ng fire hydrant Huwebes ng umaga sa Quiapo, Maynila.

Ang insidente ay naganap bandang 10:15 a.m. habang nagsasagawa ng inspeksyon ang mga otoridad sa San Sebastian Residences na matatagpuan sa Plaza Del Carmen corner San Rafael Street sa Bgy. 390, Quiapo.

Nakilala ang mga suspek na sina alyas Badong, 22, binata, miyembro ng Commado Gang at alyas Jay 21, kapwa residente ng 630 G. Araneta Ave., Bgy. Tatalon, Quezon City. Sila ay kakasuhan ng pagnanakaw o paglabag sa Artikulo 308 ng Revised Penal Code.

Ang dalawang suspek ay nahuli sa akto ng nagreklamo na si Claude Suarez, 43, balo, punong security guard at nakatira sa 12128 San Diego St., Brgy. 507, Sampaloc, Maynila.

Hinabol ng punong security guard ang dalawang suspek at nang hindi maabutan ay iniulat niya ang insidente sa pamunuan ng gusali na humingi naman ng tulong sa pulisya.

Natimbog ang mga suspek nina PSSg. Princess C Ramos at Pat Antonio Nol Bordeos Jr. ng Palanca PCP; at Warrant at follow up operatives na sina PCpl. Jolas C Eusebio at PCpl, Alvin John S. Bautista ang mga suspek sa Legarda Street malapit sa kanto ng J.P. Laurel, Bgy. 410, Sampaloc, Maynila.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang dalawang takip ng fire hydrant na nagkakahalaga ng humigit-kumulang P20,000.