Paranaque

Obrero na most wanted sa statutory rape sa Batangas arestado sa P’que

36 Views

Paranaque1

BATANGAS CITY — Kalaboso ang sinapit noong Huwebes ng lalaking kabilang sa Regional Most Wanted Persons matapos maaresto dahil sa kasong statutory rape sa Parañaque City.

Kinilala ang suspek na si alyas Daniel, 20, isang construction worker, na naaresto sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Presiding Judge ng Regional Trial Court (RTC) Branch 1, Family Court, Batangas City.

Walang inirekomendang piyansa para sa pansamantalang paglaya ng suspek.

Naaresto ang suspek sa pamumuno ni PCol. Oliver Ebora, acting director ng Batangas police, dakong alas-5:55 ng hapon sa Brgy. San Antonio, Paranaque City.

Nakatala sa body-worn camera ng mga operatiba ang buong pag-aresto alinsunod sa operational guidelines ng Philippine National Police.

Kasalukuyang nakapiit sa pasilidad ng Batangas City police ang suspek.