Arestado Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Norman Patnaan, station commander ng MPD Malate Police Station 9, ang suspek na umano’y nangmolestiya sa babaeng OFW sa Malate, Manila. JONJON C. REYES

Kelot hinalikan, hinimas ang dibdib ng sinabayang bebot

Jon-jon Reyes Aug 3, 2026
42 Views

HIMAS rehas na ngayon ang 21-anyos na lalaki matapos halikan at himasin ang dibdib ng babaeng overseas Filipino worker (OFW) sa Meco St., Brgy. 731, Malate, Manila noong Linggo.

Naaresto ng mga pulis ng Manila Police District-Malate Police Station 9 ang suspek na si alyas Shawn, ayon sa report ni Police Lt. Col. Norman Patnaan, hepe ng MPD Malate police station 9.

Bandang alas-4:05 ng umaga ng mangyari ang pang momolestiya ng suspek sa biktima.

Batay sa salaysay ng biktimang si Jenny, papasok na sana siya sa kwarto ng sumabay at pumasok din ang suspek sa lugar at nagpanggap na residente ng apartment.

Pagdating sa pasilyo, doon na umano minolestiya ang biktima ng biglang hinawakan sa likod at sapilitang itinulak sa pader.

Ipinasok ng suspek ang kanyang kamay sa ilalim ng damit-panloob ng biktima at hinawakan din ang maselang bahagi ng katawan nito.

Sapilitang hinalikan ng suspek ang babae at hinawakan ang mga dibdib.

Humingi ng tulong ang biktima sa kanyang kasama sa kwarto at tumakas na ang suspek.

Iniulat ng biktima ang insidente sa mga opisyal ng Brgy. 731 sa Malate, Maynila kaya nagtungo sina PSSg Jay Casiano, PSSg Alexander Ocampo at PSSg Wynner Banggawan upang magsagawa ng follow-up operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek.

Inihahanda na ang reklamo para sa kasong acts of lasciviousness laban sa suspek sa City Prosecutor’s Office ng Maynila.