Cybercrime

Kelot nasabat sa maraming bilang na cybercrime

Edd Reyes Aug 4, 2026
46 Views

TIKLO ang wanted sa maraming bilang na paglabag sa cybercrime sa La Castellana, Negros Occidental noong Lunes sa Las Piñas City.

Nadakip ng mga tauhan ng Regional Intelligence Division (RID) ng Region 4A dakong alas-2:30 ng hapon si alyas Elvin sa Brgy. Talon Uno, Las Piñas City matapos ang koordinasyon sa tanggapan ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Director P/MGen. Anthony Aberin.

Ayon kay Southern Police District (SPD) Director P/BGen. Glenn Oliver Cinco, inaresto ang akusado sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Bacolod City, Negros Occidental Regional Trial Court (RTC) Branch 45 dahil sa maramihang paglabag sa Cybercrime Prevention Act of 2012.

Hindi na binanggit kung ilang bilang ng kaso ang nilabag ng akusado bagamat may itinakda namang piyansa ang hukuman na P10,000 sa bawat isang bilang ng kaso.