Kulong Kinilala ni MPD Chief PBGen. Arnold Santiago ang suspek na naaresto ng mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section ng MPD Barbosa Police Station14 sa Makati City,.

CALL CENTER AGENT HIMAS REHAS DAHIL SA ACTS OF LASCIVIOUSNESS

Jon-jon Reyes Aug 5, 2026
25 Views

HINDI na nagawang maka-alpas ang isang 27-anyos na lalaki matapos matimbog ng mga operatiba ng Warrant Section ng MPD Barbosa Police dahil sa kasong nito pangmomolestiya.

Ang suspek ay nasakote sa tapat ng Glorietta 5 Bldg., Brgy. San Lorenzo, Makati City, Lunes ng umaga.

Nakilala ang suspek na si alyas Raizen, 27, call center agent, tubong Pasay City ,walang asawa, at naninirahan sa Leyte St., Brgy. 751, San Andres, Manila.

Ayon sa report na nakarating kay MPD Director PBGen. Arnold Santiago, bandang 1:30 ng madaling araw nang madakma ang suspek ng mga operatiba ng Warrant Section sa pamumuno ni PLT. Erico B Navela at sa ilalim ng pangangasiwa ni PLt.Col. Jolly C. Soriano,Station Commander ng Barbosa PS 14.

Ang Warrant of Arrest laban sa suspek ay inisyu ni Imus City, Cavite MTC Branch 4 Judge Ryan De Leon Ferraren.

Inirekomenda ng korete ang P36,000 na piyansa para sa pansamantalang kalayaan ng suspek.

Pansamantala nakakulong ang suspek sa Barbosa Police Station Custodial Facility.