Aguilar

Aguilar tiniyak seguridad sa lansangan mga paaralan sa Las Pinas

Edd Reyes Aug 6, 2026
53 Views

PERSONAL ng tinutukan ni Las Piñas City Mayor April Aguilar ang mga nakalatag na nilang hakbang na magpapatibay sa seguridad at kapayapaan sa mga paaralan at maging sa mga lansangan ng lungsod.

Ayon sa alkalde, patuloy ang pagtutulungan ng Pamahalaang Lungsod ng Las Piñas, Department of Education (DepEd), at PNP Las Piñas City Police Station, upang matiyak ang kaligtasan ng mga kabataang mag-aaral at guro sa lahat ng pampublikong paaralan.

Sinabi ni Mayor Aguilar na bukod sa tuloy-tuloy nilang koordinasyon sa DepEd at PNP, matagal na rin nilang ipinatutupad sa mga paaralan ang paggamit ng mga body scanner at metal detector, kasama ang sapat na bilang ng mga security guard na nagbabantay sa bawat pinto at lagusan para sa karagdagang proteksyon.

Nagpasiya ang alkalde na siya na mismo ang tumutok sa inilatag nilang hakbang upang masawata na ang mga karahasan, hindi lang sa mga pampublikong paaralan, kundi maging sa mga lansangan, partikular sa mga napapaulat na road rage sa ibang lungsod at karating lalawigan.