Dayuhan

BI inaresto 6 na dayuhan dahil sa iligal na pagtatrabaho sa Pinas

Jun I Legaspi Aug 7, 2026
49 Views

TIMBOG sa mga miyembro ng Bureau of Immigration (BI) noong Hulyo 29 ang anim na dayuhan na umano’y ilegal na nagtatrabaho sa mga business establishments sa Binondo, Maynila.

Ayon kay Immigration Commissioner Joel Anthony Viado, isinagawa ang operasyon sa isang shopping mall sa Binondo.

Natuklasan na ang mga inarestong indibidwal ay sangkot umano sa mga gawaing labag sa kondisyon ng kanilang pananatili at sa Retail Trade Act.

Patuloy ding beripikahin ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan at nasyonalidad ng dalawang indibidwal na nagsabing sila ay mga Pilipino.

Sakop ng operasyon ang ilang stall sa loob ng naturang mall matapos makatanggap ng impormasyon na may mga banyagang sangkot sa hindi awtorisadong retail work.

Ayon sa BI, isasampa ang mga kaso laban sa mga dayuhan dahil sa paglabag sa Philippine Immigration Act of 1940.

“Ang ating mga batas sa imigrasyon ay dapat ipatupad nang patas at mahigpit. Ang mga dayuhan na lumalabag sa kondisyon ng kanilang pananatili, lalo na yaong sangkot sa hindi awtorisadong negosyo, ay haharap sa buong bigat ng batas,” ani Viado.