Leadership

PRO 4A naglunsad ng seminar para sa mga hepe ng pulis

46 Views

Leadership1

KAMPO VICENTE LIM, Calamba City, Laguna–Ginanap ang 2 araw na Chief of Police Refresher Seminar ng Police Regional Office 4A (PRO 4A) upang patatagin ang kakayahan sa pamumuno ng mga hepe ng pulisya sa Region 4A.

Sa pagtatapos ng seminar, binigyang-diin ni PCol. Feloteo Gonzalgo, hepe ng Regional Operations Division, na ang isang epektibong lider ng pulis ay may integridad, pananagutan, kahusayan sa operasyon at mabilis na pagtugon sa pangangailangan ng mamamayan.

Ang nasabing inisyatibo ay bahagi ng pangako ng PRO 4A, sa ilalim ng pamumuno ni Acting Regional Director PBGen. Dominic Baccay, na bumuo ng mga mahuhusay na lider.

Layunin din nitong itaguyod ang Focused Agenda ng Philippine National Police (PNP) sa pamamagitan ng pamantayang BEST leadership framework.