Serbisyo ng DOTr, attached agencies tuloy kahit panahon masama

Jun I Legaspi Aug 11, 2026
26 Views

TINIYAK ng Department of Transportation (DOTr) na tuloy ang serbisyo nila sa mga lugar na apektado ng habagat at pagbaha.

Nanatiling nakadeploy ang mga tauhan ng ahensya upang matiyak na tuloy-tuloy ang transportasyon at ligtas ang mga komyuter alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

“Muling ipinakita ng ating mga personnel mula sa SAICT, LTO, LTFRB, PCG at iba pang DOTr frontliners kung ano ang ibig sabihin ng paglilingkod ng higit pa sa tawag ng tungkulin,” ani Transportation Secretary Giovanni Lopez.

Nasa Romblon, Batangas, Cavite, Laguna, Rizal at Pampanga ang mga miyembro ng Philippine Coast Guard at nakatulong na sa mahigit 8,000 katao.

Ang mga SAICT agents 24/7 nakaantabay sa EDSA Busway upang matiyak ang tuloy-tuloy na operasyon.

Ang mga LTO at LTFRB personnel naka-deploy sa mga terminal at kalsada para tumulong sa mga na-stranded na pasahero.

Tiniyak ng DOTr na babantayan ang lagay ng panahon at makikipag-ugnayan sa iba pang ahensya upang masiguro ang kaligtasan ng mga komyuter.