Sunshine tinanggihan dream project dahil sa sakit
Aug 15, 2026
2 suspek sa pagpanaw ng estudyante tiklo
Aug 15, 2026
Mika nagbura ng socmed apps para sa peace of mind
Aug 15, 2026
Suspek sa pagkakatay ng aso tiklo
Aug 15, 2026
Calendar
Showbiz
Heart binayaran P2M utang ng kaibigan
Vinia Vivar
Aug 15, 2026
26
Views
Pinag-uusapan na naman si Heart Evangelista dahil sa mga binitawang pahayag sa guesting niya sa “Your Honor.”
Mapapanood sa teaser na ipinost sa Instagram page ng nasabing programa ang ilan sa kanilang mga napag-usapan ng hosts na sina Chariz Solomon at Buboy Villar.
Karamihan dito ay tungkol sa mga naging karanasan ng aktres sa mga kaibigan.
“When you reach, sometimes, the ultimate high of success, du’n mo mararamdaman kung sino talaga ang mga kaibigan mo. May mga kaibigan ako na ginagawa kong anak, ganyan,” sey ng global fashion icon.
At dahil nga pamilya ang turing niya sa kanyang friends, pati raw ang malalaking utang ng mga ito ay binabayaran niya.
“Pati yung mga utang nila na mga two million, babayaran ko. Oo, dumating ako sa point na ganu’n,” diin niya.
“Pero for me, at that time, those aren’t red flags. That’s what family is about,” paliwanag pa niya.
May hugot din si Heart tungkol sa mga kaibigang nanlalait sa kanya ngayon.
“Sometimes, ‘yung pinaka-mukhang… ’yung parang they’re so supportive with one another, or they’re like girl power eme-eme na mga girls, sila pa ‘yung pinakamasama sa lahat.
“Sila din ‘yung mga nanlalait sa akin ngayon, I don’t know why,” aniya.
Tila may pinariringgan din ang aktres nang sabihin niyang “usually, kung sino ang madadak, ‘yun ‘yung actually totoong bully because they’re not that in person.”
Mas gusto na raw niya ang kaibigang ‘brutally honest’ sa kanya kesa sa sobrang bait pero sobrang sama naman ang totoong ugali.
She revealed na mayroon na rin daw siyang kaibigang niluhuran sa harap ng maraming tao sa isang party upang mapanatili ang kanilang relasyon.
“Meron akong niluhuran na kaibigan. To feed your ego, for people to believe that I’m the evil one? ‘I just love you so much I’ll let this one go, just love me back.’ Ganyan ako.”
Dagdag pa niya, “And I have friends that tell me, ‘ang tanga-tanga mo, bakit ka lumuhod?’
Samantala, may matapang din siyang mensahe para sa ilang influencers na aniya ay nagiging mayabang kapag sumikat.
“Matuto kang lumingon kung saan ka nanggaling. Maging humble ka. Wala akong pakialam kung viral ka ngayon, ang bilis ng ikot ng mundo!” payo ni Heart sa hindi pinangalanang influencer.
Sunshine tinanggihan dream project dahil sa sakit
Aug 15, 2026
Mika nagbura ng socmed apps para sa peace of mind
Aug 15, 2026
Shaira at EA palitan ng sweet anniversary greeting
Aug 15, 2026
Osaka food trip nina BINI Aiah at Kyle, trending
Aug 15, 2026

