2 suspek sa pagpanaw ng estudyante tiklo
Aug 15, 2026
Mika nagbura ng socmed apps para sa peace of mind
Aug 15, 2026
Heart binayaran P2M utang ng kaibigan
Aug 15, 2026
Suspek sa pagkakatay ng aso tiklo
Aug 15, 2026
Calendar
Showbiz
Sunshine tinanggihan dream project dahil sa sakit
Vinia Vivar
Aug 15, 2026
19
Views
Dahil sa kanyang health condition, kinailangan na namang tanggihan ni Sunshine Cruz ang isang magandang proyekto na labis niyang ikinalungkot.
Nag-share ng health and life update ang aktres sa kanyang Instagram page at inaming na-hurt siya talaga this time dahil ang pinalampas niya ay ang kanyang dream project.
“A little health & life check-in. Having Myasthenia Gravis means learning to put my body first, even when it mean passing on a dream project. Saying no this time hurt a lot but protecting my health is non-negotiable,” pahayag ni Sunshine.
Makikita rin sa mga larawang ipinost niya ang kanyang pagwo-work-out na bahagi rin ng kanyang pagpapalakas ng katawan.
“Grateful for the daily routines, movement (Pilates + gym sessions!) and quality time with my favorite people keeping me grounded. One day at a time, always looking ahead!” aniya.
Matatandaang last year ay ibinunyag ni Sunshine na na-diagnose siya with Myasthenia Gravis na ayon sa Mayo Clinic, ay isang “rare chronic autoimmune disease that causes weakness in voluntary skeletal muscles.”
Bagama’t walang cure sa autoimmune disease, may mga treatment naman para ma-manage ang mga symptom at ito ang ginagawa ngayon ni Shine.
Upang makapag-focus sa kanyang health, minabuti ng aktres na mag-lie-low muna sa pag-arte at marami na siyang tinanggihang proyekto.
Mika nagbura ng socmed apps para sa peace of mind
Aug 15, 2026
Heart binayaran P2M utang ng kaibigan
Aug 15, 2026
Shaira at EA palitan ng sweet anniversary greeting
Aug 15, 2026
Osaka food trip nina BINI Aiah at Kyle, trending
Aug 15, 2026
