Kapunan1

Bago magsimula impeachment proceedings, Kapunan, Ferrer nagyakap

154 Views

NAGYAKAP sina prosecution lawyer Lorna Kapunan at defense counsel Kristine Ferrer bago magsimula ang proceedings sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.

Nagbatian at nagyakap ang dalawang abogada kahit magkaibang panig ang kanilang kinakatawan sa paglilitis.

Kabilang si Kapunan sa mga private lawyer na tumutulong sa House prosecution panel sa impeachment case at si Ferrer naman ay miyembro ng defense team ni Duterte.

Walang indikasyon na may kinalaman ang kanilang pagbabatian sa kani-kanilang legal positions o sa takbo ng impeachment trial.

May mga nauna na ring light moments sa pagitan ng mga abogado ng dalawang kampo.

Sa isang naunang session, nakuhanan ng litrato si Kapunan na nakikipag-usap kay Sheila Sison, isa pang defense lawyer, sa Senate session hall.