Chiz Escudero

Escudero ipinagpaliban ruling ukol sa public statements sa Aug. 18

146 Views

IPINAGPALIBAN ni Sen. Francis “Chiz” Escudero sa Agosto 18 ang ruling sa public statements sa ilalim ng Rule 18 matapos paikliin ang impeachment proceedings, ayon kay Atty. Regie Tongol.

Naantala ang paglabas ng ruling dahil sa suspensyon ng trabaho at maagang pagtatapos ng Day 16 dahil sa masamang panahon.

Sakop ng ruling ang respondent, mga abogado, prosecution panel at senator-judge. Isinaalang-alang na rin ang mga pahayag mula sa panig ng respondent, kabilang ang may kaugnayan kay VP Sara Duterte.

Ayon kay Tongol, maaari pang baguhin ang draft at patuloy ang monitoring ng mga pahayag ng mga panig.

Wala pang napatunayang paglabag at maaaring ang presiding officer o mga senator-judge ang magpasya sa isyu.

Nilinaw din na pinapayagan ang clarificatory questions ng mga hukom at hindi ito itinuturing na bias.

Filipino at English pa rin ang pangunahing wika sa paglilitis, ngunit maaaring magbigay ng tulong sa ibang wika kung kailangan.

Pinag-aaralan din ang paglipat ng hearings sa hapon dahil sa weather disruptions, habang hindi pa pinapayagan ang virtual hearings dahil sa quorum at logistical concerns.

May hiwalay ding draft ruling sa AMLC in-camera inspection na kasalukuyang tinatapos pa lamang.