Calapan

Mga stranded sa MinOr dahil sa baha tinulungan

Helen D. Prado Aug 18, 2026
174 Views

CALAPAN CITY – Nag-deploy ng mga personnel ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) upang magbigay ng tulong sa mga motorista na stranded dahil sa baha sa Curva, Naujan at Bucayao, Calapan City, Mindoro Oriental, kaugnay ng pag-ulan sanhi ng habagat.

Kasama rin sa isinagawang response operation ang mga PNP Regional Personnel upang matiyak ang kaligtasan sa pag-assist sa mga apektadong motorista.

Patuloy ang 24/7 monitoring at response operations ng PDRRMO katuwang ang mga concerned agencies at local government units upang makatugon sa mga insidenteng dulot ng patuloy na pag-ulan at pagbaha.

“Iwasang dumaan sa mga lugar na binabaha at huwag piliting tawirin ang mga kalsada kung hindi ligtas.
Sa panahon ng sakuna, mabilis na aksyon para sa kaligtasan ng bawat Mindoreño,” sabi ng lalawigan sa statement.