Calendar
Provincial
Tumataya sa tupada arestado
Gil Aman
Aug 18, 2026
176
Views
ANIM na pinaniniwalaang sugarol at lulong umano sa tupada ang bumagsak sa kamay ng mga miyembro ng Laguna Provincial Special Operating Unit sa Brgy. Estrella, San Pedro City, Laguna, noong Linggo.
Kinilala ang mga inaresto na sina alyas “Aristeo,” “Nestor,” “Junil,” “Generlito,” “Jaime” at “Samuel” at nabawi sa kanila ang dalawang sasabunging manok, dalawang tari at taya na P1,650.
Isinagawa ang operasyon dakong alas-1:30 ng umaga habang nasa kainitan ang pustahan sa tupada, ayon sa report.
Nagtakbuhan ang iba pang sugarol nang dumating ang raiding team kung saan anim ang nadakma.
Sinampahan ng kaukulang kaso sa city prosecutor’s office ang anim na nagtutupada.
P341K na shabu nasamsam sa San Jose del Monte
Nov 3, 2026
6,000 kriminal lagas sa CALABARZON
Nov 3, 2026
Magsasakang wanted sa droga swak sa kulungan
Nov 2, 2026
Dating Abucay mayor pumanaw noong Undas
Nov 2, 2026

