Pekeng pulis nireklamo ng negosyante, nasakote
Oct 27, 2026
Calendar
Provincial
Bata, 11, nagsalok ng tubig, nakitang dedo sa ilalim ng ilog
Jojo Cesar Magsombol
Aug 22, 2026
162
Views
NALUNOD ang 11-anyos na Grade 6 student sa ilog sa Sitio Waray, Brgy. Plaza Aldea, Tanay, Rizal noong Agosto 20.
Kinilala ang biktima na si alyas Miguel. Ayon sa imbestigasyon ng Tanay police, nagpaalam ang biktima sa ina niya bandang alas-11:00 ng umaga na sasalok ng tubig sa ilog kasama ang kaibigang si alyas Jomar.
Bandang alas-3:10 ng hapon, napaglaman ni Jomar na may taong nakita sa ilalim ng tubig.
Nag-responde si Jomar at doon niya natagpuan ang biktima sa ilalim ng ilog at iniahon sa pampang.
Naisugod ang bata sa Tanay General Hospital ngunit idineklarang dead-on-arrival bandang alas-4:47 ng hapon ni Dr. Apple Marielle Untayo.
Pumirma ng waiver ang ama ng biktima na si Michael, 36, para huwag ng i-autopsy ang labi ng kanyang anak.
Isyu sa YAKAP sa San Antonio hiniling na linawin
Oct 26, 2026
Wanted sa drugs kulong sa Cardona
Oct 26, 2026
Dating komunista sumuko sa Bataan, dala pati boga
Oct 26, 2026
Nagnakaw ng donation money sa Vigan Cathedral nahuli
Oct 26, 2026
BPPO tinanggap mga kadete ng PNPA
Oct 25, 2026

