PCG

PCG-NY inilapit ang serbisyo publiko sa mga Pinoy sa US

126 Views

PCG1PCG2PCG3

UMABOT sa 249 na serbisyong konsular ang matagumpay na naipagkaloob ng Philippine Consulate General sa New York sa ginanap na dalawang-araw na Consular Outreach Mission sa Bristol, Connecticut noong Agosto 15-16, 2026.

Nakamit ng mga Pilipinong residente mula sa Connecticut, Vermont, Maine, Massachusetts, Rhode Island, at New Hampshire ang mga serbisyo tulad ng passport application, dual citizenship, notaryal, overseas voting registration, at SSS transactions.

Pinasalamatan ng PCG-NY ang Pilipino Association of Connecticut, Inc. (PACI) na naging kabalikat nito sa aktibidad.

Ang proyektong ito ay bahagi ng patuloy na layunin ng Konsulado na ilapit ang serbisyo publiko at patatagin ang ugnayan sa mga komunidad ng Pilipino sa New York.