QCPD

Oplan Ligtas Eskwela inilunsad ng QCPD

145 Views

INILUNSAD ng Quezon City Police District (QCPD) ang Oplan Ligtas Eskwela para sa kaligtasan ng mga estudyante sa mga paaralan sa Quezon City.

Sa pamumuno ni QCPD director PBGen. Randy Glenn Silvio, nasa 29 tauhan ng pulisya ang nagsagawa ng 66 aktibidad mula Agosto 15 hanggang 21.

Kabilang sa aktibidad ng programa ang flag-raising ceremony, seminar, lecture at dialogue kasama ang mga estudyante, guro at mga magulang.

Umabot sa 1,120 estudyante ang nabigyan ng mga impormasyon ukol sa kaligtasan at crime prevention at 400 flyers ang ipinamahagi bilang bahagi ng kampanya.

Ayon kay Silvio, layunin ng Oplan Ligtas Eskwela na matiyak ang ligtas at maayos na learning environment sa pamamagitan ng patuloy na pakikipag-ugnayan sa mga estudyante, guro, magulang at iba pang school stakeholders.

Mahalaga ang pagtutulungan ng pulisya, paaralan at komunidad upang mapalakas ang kamalayan sa seguridad, pag-iwas sa krimen at iba pang banta sa kaligtasan, ayon sa heneral.