Tulfo

Tulfo nais mas mabigat na parusa sa social media platforms sa marahas na content involving children

34 Views

NANAWAGAN si Sen. Erwin Tulfo ng mas mahigpit na pananagutan at mas mabigat na parusa laban sa social media platforms na paulit-ulit umanong nagpapahintulot sa marahas at graphic na content involving children na kumalat online.

Sa plenary session nitong Martes, Agosto 25, sinabi ni Tulfo na dapat pag-aralan ang batas na magpapataw ng mabibigat na multa o iba pang parusa sa mga platform na paulit-ulit na nagpapahintulot sa paglalathala ng ipinagbabawal na mga larawan o video, lalo na yaong nagpapakita ng karahasan laban sa mga bata.

Ang community standards ay mga patakaran ng social media platforms na nagtatakda kung anong content at asal ng mga gumagamit ang pinapayagan o ipinagbabawal.

Iniugnay ni Tulfo ang panawagan sa naiulat na pagkalat ng mga litrato, video at posts kaugnay ng recent school shootings sa Zamboanga at Tacloban.

Kinuwestiyon niya kung bakit naibahagi nang malawakan online ang mga larawan ng mga batang biktima at mga sinasabing batang sangkot sa mga insidente.

Sinabi rin ni Tulfo na kumikita nang bilyon-bilyong piso ang social media companies mula sa advertisements at online views at dapat, aniya, managot ang mga ito kapag nabigo silang ipatupad ang sarili nilang mga patakaran sa content.

“That is why we need to study legislation that would impose heavy fines or penalties on social media platforms that repeatedly allow the publication of prohibited images or videos, especially content depicting violence against children. It is not enough for them to say: We have community standards. The question is: Are you actually enforcing them, Meta, YouTube, TikTok, Instagram, and Twitter?” sabi ni Tulfo.