Calendar
447K tao boboto sa Cavite special polls
DASMARIÑAS CITY — Nakatakda ang special election ngayong Sabado sa siyudad na ito para palitan ang pinatalsik na si Cavite 4th District Rep. Francisco “Kiko” Barzaga.
Nasa 3,162 established precincts sa 75 barangays ng lungsod ang dudumugin ng mga botante.
Ayon kay Commission on Election (Comelec) Chairman George Garcia, 447,387 ang registered voters sa lugar.
Magkakaroon ng early voting mula alas-5 ng umaga hanggang alas-7 ng umaga para sa mga senior citizen, person with disability at buntis na botante.
Tapos na ang 28-day campaign period na ibinigay ng Comelec sa limang kandidato na sina incumbent Mayor Jenny Barzaga, dating vice mayor Rex Mangubat, dating councilor Jesse Frani, Marvin “Hiway” Dupal-ag at Leysander Aguilar Ordenes.
“Hopefully, makapag-proclaim kami sa Linggo,” sabi ni Garcia.

