Calendar
Sekyu na may baril inaresto sa panggulo sa bus terminal
ARESTADO ang isang security guard na may hawak na baril habang nanggugulo sa bus terminal ng Multimodal transportation hub sa Arroceros St., Brgy. 659-A, Ermita, Manila noong Lunes
Nahaharap sa kasong alarm and scandal at paglabag da RA 10591 (Comprehensive Law on Firearms and Ammunition) ang naarestong suspek na si alyas Carlo, 29.
Ayon kay Police Major Edgar Julian, hepe ng Paco police community precinct, bandang alas-9:40 ng gabi habang nagpa-patrol ang mga tauhan ng Lawton PCP na sina PSSg El-Ar Malonzo at PSSg Randy Quintal, may lumapit sa kanila at isinumbong ang suspek na nanggugulo at umano’y nagpaputok pa ng kanyang baril.
Pagdating sa lugar, nakita nila ang suspek na may hawak na baril. Inutusan ng mga pulis ang suspek na ibigay ang baril at sumunod ang suspek.
Inaresto ang suspek at narekober ang baril na Shooter Guardian na kargado ng magasin.
Dinala sa himpilan ng pulisya para sa imbestigasyon ang suspek.

