Suspek sa KFR, illegal detention nasukol sa Isabela
Oct 23, 2026
Obrero arestado sa pagnanakaw sa Tondo
Oct 23, 2026
Calendar
Metro
Lumang building gumuho sa Sta. Cruz
Jon-jon Reyes
Sep 1, 2026
155
Views
GUMUHO ang dalawang palapag na gusali sa 1409 Tayuman St., Brgy. 353, Sta. Cruz, Manila noong Lunes.
Ayon sa report, bandang alas-6:45 ng gabi nag collapse ang gusali at tinatayang may halaga ng pinsala na humigit kumulang P50,000.
Nakatanggap ang mga awtoridad ng tawag sa telepono hinggil sa nasabing insidente, at nagtungo sa lugar si PMaj. Eduardo Zaragoza, hepe ng Alvarez police community precinct.
Ang nasabing istruktura gawa sa kahoy at yero luma na at hindi na tinitirhan.
Ayon sa impormasyon, dahil sa nakaraang malakas na pag-ulan, humina ang istruktura kaya ito gumuho.
Walang naiulat na nasawi o nasugatan sa pagguho.
Dumating din sa lugar ang mga tauhan ng Barangay 353 sa pangunguna ni Barangay Chairwoman Angelina Suansing Gorospe.
Obrero arestado sa pagnanakaw sa Tondo
Oct 23, 2026
NCRPO: DROGA ITINATAGO SA MGA PAMASKONG PADALA
Oct 23, 2026
No. 7 MWP ng QCPD nasakote
Oct 23, 2026
HVI nahulihan ng P300K na shabu
Oct 22, 2026

