Batangas

‘Tulak’ nakuhanan ng 1 kilo ng shabu sa Batangas

35 Views

Batangas1KAMPO HENERAL MALVAR, Batangas — Arestado noong Miyerkules ang isang itinuturing na High-Value Individual (HVI) at pinaniniwalaang tulak ng ilegal na droga matapos makumpiskahan ng isang kilong shabu na nagkakahalaga ng P6.8 milyon sa Brgy. Balagtas sa lungsod na ito.

Kinilala ni Batangas police director PCol. Oliver Ebora ang suspek na si alyas Bonifacio, 24, na nahuli bandang alas-9:35 ng gabi ng pinagsanib na pwersa ng Provincial Drug Enforcement Unit–Special Operations Unit (PDEU-SOU), PDEA Batangas at Batangas City police.

Bukod sa 1,000 gramo ng hinihinalang shabu, nakumpiska rin sa suspek ang 10 bundles ng boodle money na nagkakahalaga ng P1 milyon, cellphone, backpack at cash.

Dadalhin sa laboratoryo ang nakumpiskang droga para sa pagsusuri habang inihahanda ang pagsasampa ng kasong paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).