Rider

Delivery rider dineliver sa piitan dahil sa P1.3M shabu

154 Views

Rider1

KAMPO HENERAL MALVAR, Lungsod ng Batangas–Kalaboso noong Miyerkules ang delivery rider na nakumpiskahan ng mahigit P1 milyon na halaga ng shabu sa Brgy. Alangilan sa lungsod na ito.

Ang suspek na si alyas Jomel, 31, residente ng Tondo, Maynila.

Ayon kay Police Colonel Oliver Ebora, director ng BPPO, isinagawa ang operasyon bandang alas-8:30 ng gabi.

Nahuli ang suspek matapos bentahan ng droga ang isang pulis na nagpanggap na buyer.

Nakumpiska kay alyas Jomel ang humigit-kumulang 200 gramo ng hinihinalang shabu na may halagang P1.36 milyon; marked money, boodle money, motorsiklo, cellphone, at iba pang mga gamit.

Inihahanda na ang kaukulang kaso laban sa suspek para sa paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.