Calendar
Source: QCPD PIO
SUV vs mga sasakyan, motor sa QC; 1 nasawi




ISA ang patay habang ilang katao ang nasugatan sa banggaan ng Mitsubishi Montero SUV at iba pang sasakyan at mga motorsiklo sa kahabaan ng Tomas Morato Avenue, Quezon City, madaling-araw nitong Setyembre 6.
Ayon sa Quezon City Police District (QCPD), dakong alas-3 ng madaling araw nang masangkot ang nasabing SUV na minamaneho ng isang alyas “Carl” sa isang vehicular accident sa Tomas Morato Avenue habang patungo ng Elliptical Road.
Muli umanong nasanggkot sa isa pang vehicular accident sa Quezon Avenue ang nasabing SUV.
Agad na rumesponde ang mga tauhan ng Traffic Sector 4 at naaresto ang driver ng Montero.
Isinugod ang mga nasugatan sa East Avenue Medical Center at Quezon City General Hospital para malapatan ng lunas.
Patuloy ang imbestigasyon ng QCPD upang matukoy ang eksaktong sanhi ng magkakasunod na banggaan at ang posibleng pananagutan ng driver.
Muling nagpaalala ang pulisya sa mga motorista na sumunod sa batas-trapiko at speed limit, at magmaneho nang maingat upang maiwasan ang mga aksidente.

