Calendar
FIRST may 33 bagong grads
TATLUMPU’T-tatlong responders ang nagtapos sa Flood Incident Response Safety Training (FIRST) ng Las Piñas Disaster Risk Reduction Management Office (LPDRRMO), Bureau of Fire Protection-Las Piñas at Las Piñas City police.
Layunin ng pagsasanay na palakasin ang kakayahan ng mga responders sa pagtugon sa mga insidente ng pagbaha at iba pang water-related emergencies.
Pinangunahan ng LPDRRMO ang training, katuwang ang mga instructor mula sa 525th Combat Engineer Battalion, Combat Engineer Regiment, Philippine Army.
Sa pamamagitan ng ganitong pagsasanay, higit na napaghahandaan ng mga responders ang mga sitwasyong nangangailangan ng mabilis, maingat, at coordinated na pagkilos.
Ayon kay Mayor April Aguilar, pinaiigting ng Las Piñas ang kahandaan ng mga frontliner at emergency responders upang masiguro ang mas ligtas na disaster response.

