Pulis1 Agad na nagbigay tulong-medikal si Pat.Roselindo Delima, sa isang buntis na nanganak sa kalsada sa Catmon, Malabon. JONJON C. REYES

PULIS MAYNILA TUMULONG SA PAG PAPAPA-ANAK SA GINANG SA KALSADA

Jon-jon Reyes Sep 7, 2026
154 Views

Pulis1Pulis2Pulis3HINDI nagdalawang isip ang isang Pulis Maynila na tulungan ang isang buntis na nanganak sa kahabaan ng Gov. Pascual Avenue, kanto ng Catmon, Malabon, Linggo ng umaga.

Nakilala ang Good Samaritan na si Pat. Roselindo Delima, nakatalaga sa TMRU, 2nd shift, MPD Police Station 3 sa Sta Cruz, Manila.

Ayon sa report ng pulisya, bandang 8:30 ng umaga nang biglang nanganak ang ginang na nakilalang si Michaella.

Ayon sa kanyang salaysay, pauwi na si Delima mula sa kanyang shift nang makasalubong niya ang ginang na sumasakit na ang tiyan.

Agad umasiste ang pulis na ligtas na manganak ang nasabing gina. Tiniyak din ni Delima ang kaligtasan ng sanggol.

Ipinakita ni Delima ang dedikasyon ng mga tauhan ng PNP na magbigay ng agarang tulong at makataong serbisyo, higit pa sa kanilang mga karaniwang tungkulin.

Base sa karagdagang impormasyon, ligtas na naihatid sa ospital ang bagong mag-ina upang mabigyan ng nararapat na medikal na atensyon.