Motor

Tambay laglag sa pagnenok ng motor

Edd Reyes Sep 8, 2026
13 Views

TIKLO ang 39-anyos na tambay na tumangay sa motorsiklo ng fruit vendor nang habulin siya ng biktima noong Martes sa Paranaque City.

Napuna ni alyas Androu, 27, sa Russia St. Brgy. Don Bosco pasado alas-7:00 ng umaga na wala na ang kanyang Honda Click na ipinarada sa harapan ng kanyang puwesto.

Kumilos ang biktima, kasama ang kanyang kapatid at kaibigan, para hanapin ang motorsiklo hanggang ma-ispatan nila ang suspek na si alyas Melvin na itinutulak ang motorsiklo may 100 metro na ang layo.

Pinigilan ng tatlo ang suspek hanggang dumating ang mga tauhan ni Southern Police District (SPD) Director P/BGen. Rodel Pastor na silang umaresto sa suspek.

Nakuha sa suspek ang 0.5 na gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P3,400, at isang improvised key na gamit sa pagtangay sa tatargeting motorsiklo.

Mahaharap sa kasong paglabag sa New Anti-Carnapping Act of 2016 at Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 sa Paranaque City Prosecutor’s Office ang suspek.