Sa ASEAN walang defense access deals pero sa US, Japan meron?–Tulfo

25 Views

KWINESTYON ni Sen. Erwin Tulfo kung bakit wala pang status-of-visiting-forces agreement ang Pilipinas sa mga karatig na ASEAN pero may defense-access arrangements sa mga partner tulad ng United States at Japan.

“Are we going to see Visiting Forces Agreement (VFA) with our ASEAN neighbors like Singapore or Malaysia or Thailand?” tanong ni Tulfo.

Sinabi ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. na nakatanggap na ang Pilipinas ng counter-draft mula sa Singapore para sa isang Status of Visiting Forces Agreement.

“We are in a stage of a counter-draft. We received a counter-draft already from Singapore. That will be the first,” sabi ni Teodoro.

Itinaas ni Tulfo ang usapin ng military interoperability at tinanong kung paano magiging pamilyar ang mga sundalong Pilipino sa equipment at operations ng mga ASEAN neighbor kung walang mas malapit na visiting-forces arrangements.

“Baka one day we would be needing their assistance or them needing our people in their place, in their country,” sabi ni Tulfo.

Hindi na malaking hadlang sa interoperability ang pagkakaiba sa military platforms at equipment, sabi ni Teodoro.

Ibinunyag din niya na may Filipino troops na nasa Thailand at Cambodia bilang bahagi ng ASEAN Observer Team na nagmomonitor ng ceasefire kahit walang bilateral SOVFA ang Pilipinas sa mga bansang ito.

Binanggit din ni Teodoro ang Exercise Pitch Black sa Australia, kung saan sinabi niyang nakapag-interoperate ang forces mula sa 21 bansa, kabilang ang Pilipinas at Indonesia, kahit magkakaiba ang kanilang platforms.

Binanggit ni Tulfo na mayroon nang VFA ang Pilipinas sa United States, Reciprocal Access Agreement sa Japan, at Status of Visiting Forces Agreements sa Australia, Canada at New Zealand.

Kailangang masusing suriin ang ganitong mga kasunduan, lalo na ang mga probisyon sa jurisdiction, legal responsibilities, environmental protection at treatment ng visiting military personnel, ayon kay Tulfo.

Ayon kay Teodoro, nagkaroon na noon ng mas simpleng status-of-visiting-forces agreements ang Pilipinas at Singapore bago ang 1987 Constitution.