Calendar
SC: Hindi makakakuha ng bar exam pwede mag-refund
MAAARI umanong mag-refund ng ibinayad ang mga aplikante na hindi makakakuha ng bar examination matapos maapektuhan ng bagyong Paeng.
Ayon sa Office of the 2022 Bar Chair ang mga examinee na hindi na tutuloy ay maaaring mag-aplay ng refund sa Office of the Bar Confidant sa pamamagitan ng kanilang BAR Plus registered email address.
“The Court recognizes the great odds that lie ahead, made greater for examinees by the passing of recent storms,” sabi ng Office of the Bar Chair.
Ang mga may katanungan kaugnay ng refund ay maaaring makipag-ugnayan sa OBC Helpdesk sa numerong (02) 8552-96-90 at (02) 8552-96-42.
Maaari rin umano na gamitin na lamang ng mga hindi tutuloy sa pagkuha ng pagsusulit sa pag-aplay para sa September 2023 Bar Examinations.
Sinabi ng Office of the Bar Chair na matutuloy ang bar examination sa Nobyembre 9, 13, 16, at 20.