Trap

Mister hinabol ng kasamang kelot ng misis, na-trap sa imburnal

157 Views

Trap1NA-TRAP sa imburnal ang isang lalaki matapos tumalon sa ilog nang makita ang kanyang asawa na may kasamang ibang lalaki.

Ayon sa salaysay ng lalaki, hinabol umano siya ng nasabing lalaki kaya nataranta at tumalon mula sa isang tulay patungo sa ilog bago inanod hanggang sa imburnal, kung saan siya natagpuan makalipas ang ilang oras.

Agad na rumesponde ang mga tauhan ng Barangay Tatalon sa direktiba ni Punong Barangay Emmanuel “Kiko” Del Mundo, katuwang ang Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Office (QCDRRMO).

Matagumpay namang nailigtas ang lalaki matapos ang isinagawang rescue operation.