LRT2

1.6M libreng sakay naibigay sa mga estudyante

218 Views

MAHIGIT sa 1.623 milyon libreng sakay ang naibigay sa mga estudyante ng Light Rail Transit Line 2 (LRT-2).

Ito ang iniulat ng Light Rail Transit Authority (LRTA) sa pagtatapos ng LRT-2 Libreng Sakay for Students Program.

Natapos man ang libreng sakay, babalik naman ang pagbibigay ng LRT-2 ng 20 porsyentong discount sa mga estudyante.

Nag-umpisa ang pagbibigay ng libreng sakay noong Agosto 22 sa utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tulungan ang mga estudyante na nagsisimulang bumalik sa face-to-face classes noon.

Nagtapos ang programa noong Nobyembre 5.