Shabu

Droga, boga nasamsam sa construction worker

Edd Reyes Oct 2, 2026
32 Views

NASAMSAM ng pulisya sa sinalakay na bahay ng construction worker ang baril at shabu noong Miyerkules sa Makati City.

Isinagawa ang pagsalakay ng mga tauhan ni Southern Police District (SPD) P/BGen. Rodel Pastor dakong alas-2:30 ng hapon sa bahay ni alyas Jojo, 44, sa Brgy. Guadalupe Viejo sa bisa ng search warrant na inilabas ng Makati Regional Trial Court (RTC) Branch 63.

Nasamsam ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Makati police ang silver cal .45 pistol na kargado ng limang bala at tinatayang 50.5 na gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P343,400.

Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 10501 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) at RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) sa Makati City Prosecutor’s Office.