Abucay

Abucay nagdiwang ng pistang dagat

Christian Supnad May 17, 2026
24 Views

ABUCAY, Bataan–Pinangunahan ni Mayor Erik Martel ang paglusong sa dagat ng Abucay upang ipagdiwang ang pistang dagat Kasama si Major John Rhey Cutab, hepe ng pulisya, at mga coast guard, masayang nag-ikot sina Mayor Martel sa kanlurang bahagi ng Manila Bay na nasasakupan ng Abucay Bay.

Ang celebrasyon sa karagatan ay taun-taong ginaganap bilang pasasasalamat sa mga grasyang pinagkakaloob ng karagatan sa mga mangingisda.

Ang Abucay ay kilala bilang “tahong country” dahil dito nanggagaling ang mga supply ng tahong sa gitnang Luzon, Metro Manila at Ilocos region.

Ayon kay Mayor Martel, umabot ng 40 malalaking bangka ang nakiisa sa selebrasyon dito sa karagatang Abucay.

 

Nag-pose sina Mayor Erik Martel (kaliwa), Major John Rhey Cutab, chief of police,at opisyal ng Coast Guard habang ipinagdidiwang ang Pistang dagat sa Abucay, Bataan.